Abangan ang first episode ng Science Pinas ngayong February 15, 2025 handog ng Department of Science and Technology (DOST)! Hatid nito ang kakaibang kombinasyon ng Science at travel, kung saan tampok ang mga kwento ng Science, Technology, at Innovation (ST&I) na nagpapabago sa mga industriya at komunidad sa buong bansa.
Pero, ano nga ba ang Science Pinas?
Ang Science Pinas ay isang programa na nagpapakilala ng konsepto ng Science Tourism, na naglalayong ipakita kung paano nagagamit ang siyensya at teknolohiya upang mapaunlad ang turismo, kultura, at kabuhayan. Sa bawat episode, mararanasan ang kakaibang saya ng isang scientific expedition habang binibigyang-pansin ang kahalagahan ng innovation sa mga lokal na komunidad. Para itong kombinasyon ng pamamasyal at edukasyon, na nagiging kapana-panabik na adventure para sa lahat ng manonood. Continue reading