Hindi mawawala ang mga sari-sari store sa bawat barangay. Nasa probinsya ka man or living your city life dreams, lagi kang makakahanap ng maaasahan na sari-sari store malapit sa iyong bahay. Pero, kung marami nang sari-sari store at convenience shops, paano mo nga ba maaaring gawing stand out ang iyong sari-sari store negosyo?
Isa ka bang owner ng sari-sari store business or naghahanap ka ng sari sari store ideas to kickstart your newest business from home? Ito ang mga maaari mong gawin para mag-improve at mas palaguin pa ang iyong sari-sari store business!
1. Cater to your customers
The best way to boost your business is to know your market. Maaaring sari-sari at iba’t-iba ang iyong produkto, pero make sure na patok sa iyong customers ang iyong mga paninda.
Kung ang location ng iyong sari-sari store ay malapit sa isang basketball o iba pang sports courts, siguraduhin na laging may stock ng energy drinks, bottled water, o ice tubig. Patok rin ang mga merienda items at school supplies kung ikaw ay malapit sa school zone.
2. Make a good first impression
Sabi nga nila, first impression lasts! Kaya naman dapat na presentable at attractive ang iyong store front. Maganda rin kung maglalabas ng puhunan para sa magandang store signature or name card. Kung may budget, maglagay rin ng lights, decoration, at iba pang palamuti para makuha ang attention ng iyong mga customer.
3. Prioritize the comfort of your customers
Dito sa Pilipinas, ang mga sari-sari at convenience store ay more than its products. Karamihan ng mga sari-sari store na may loyal customers ay may upuan – nasa tapat man ito ng tindahan o simpleng bangko lang sa bangketa. Tandaan, maaari ring dumami ang binibili ng isang customers kung magtatagal siya sa sari-sari store. Continue reading →